TUMIGIL MAG-WORRY

Matthew 6:27

“Can worry make you live longer?”

Laging kinakatakutan ng mga tao kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Maraming mahilig mag-alala, “Naku, malapit na yatang magunaw ang mundo. Lagi na lang bumabaha.” Lumang istorya na ang mga baha. Wala nang tatalo sa baha noong panahon ni Noah. “E bakit parang naiiba na rin ang klima?” Maraming beses nang nagpalit ang klima ng planeta at dahil wala pa tayo noon dito, hindi natin alam. May dapat bang katakutan if God is God of the climate? May bumabagsak bang kahit isang patak ng ulan sa lupa na hindi alam at hindi pinayagan ng Dios? Marami tayong mga pinoproblema na hindi naman natin dapat problemahin kasi hindi tayo Dios.

HUWAG MAGING BULAG

Ezekiel 16:49 (NIV)

Now this was the sin of your sister Sodom: She and her daughters were arrogant, overfed and unconcerned; they did not help the poor and needy.

MAGING GALANTE KA NAMAN

Proverbs 11:25

Generosity will be rewarded: Give a cup of water, and you will receive a cup of water in return.

Kailanman ay hindi masasayang ang tulong na ibinibigay sa isang nangangailangan. Sayang ba kung magpa-shine ka ng sapatos sa isang naghahanapbuhay na shoe-shine boy kahit malinis na ang sapatos mo? Pagtatapon ba ng pera kung bibigyan mo ang isang minimum-waged waiter ng malaking tip knowing na nakaasa lang ang kanyang anak o asawa kung nagka-tip ito? At sa palagay nyo ba, hindi malulugod ang Dios na nagbibigay tayo nang ganun sa mga maralita, lalo pa nga at pinaghirapan naman nila?