Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

1 Corinthians 3:16-17

All of you surely know that you are God’s temple and that his Spirit lives in you. Together you are God’s holy temple, and God will destroy anyone who destroys his temple.

Hindi na naman siguro dapat ipaalala na dapat inaalagaan ang katawan. Mayroon akong isang kaibigan na noong 1985 ko pa sinasaway sa paninigarilyo. Dalawang beses na siyang naoperahan at tanggal na yata ang one-third ng kanyang baga. Nagte-text sa akin sa para daw siyang alupihan sa dami ng naging hiwa at mga tahi sa kanya. Kinumusta ko, “Nag-uusuk-usok ka pa ba?” “Ay naku,” ang sabi nya, “Dalawang kamay at dalawang paa, suko na, ayoko nang mag-usok.” Kung sumuko ba naman siya noong 1985 pa, e di sana hindi na siya naging parang alupihan. Kasi naman, bakit mo lalagyan ng lason ang katawan mo?

Pagka kumakain tayo ng sobrang preserved meat, di ba ang sarap? Pero isipin mo naman, namatay na yung baka o baboy o isda seven years ago pa. Pag tiningnan natin yung expiration sa lata, mga limang taon pa yung pagkain na naka-preserve. Kumakain tayo ng bangkay na five years old! Ano’ng inaasahan natin, lulusog tayo? Something’s got to give. Alam ba natin na ang inilalagay sa preservative ay yun din ang inilalagay sa mga ini-embalsamo? Kaya alam nating hindi yan mabuti sa katawan natin. Kaya kung mas fresh yung kinakain natin, mas mabuti. Hindi puro preserved.

Dapat kung pinapahaba ng Dios ang buhay natin, tinataasan din natin ang quality ng buhay. Pasayahin natin ang Dios. At pag natuwa siya sa atin, nagbo-blowout siya.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.

Click the button below: