Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Proverbs 11:25

Generosity will be rewarded: Give a cup of water, and you will receive a cup of water in return.

Kailanman ay hindi masasayang ang tulong na ibinibigay sa isang nangangailangan. Sayang ba kung magpa-shine ka ng sapatos sa isang naghahanapbuhay na shoe-shine boy kahit malinis na ang sapatos mo? Pagtatapon ba ng pera kung bibigyan mo ang isang minimum-waged waiter ng malaking tip knowing na nakaasa lang ang kanyang anak o asawa kung nagka-tip ito? At sa palagay nyo ba, hindi malulugod ang Dios na nagbibigay tayo nang ganun sa mga maralita, lalo pa nga at pinaghirapan naman nila?

Kung may labandera ka at ang usapan nyo ay P300 a day, tatanggalin mo ba ang lahat ng mga nakakabit na kurtina at mga bedsheets pati mga trapal ng tricycle at jeep para lang talagang masulit ang bayad mo? “Dali, ilabas nyo nang lahat, para sulit na.” Malaking bagay ba kung maagang matapos ang labandera mo for the same rate dahil konti lang ang pinalabhan mo? O kailangan ba talagang hanggang hindi lumulubog ang araw ay hindi siya tumatayo sa labahan? Baligtarin mo. Kung ikaw yung labandera, matutuwa ka bang makitang tatlong bundok ang lalabhan mo for P300? O matutuwa ka ba kung kahit P300 ang usapan, nang matapos kang maglaba ay ginawang P500? Para sa mga nangangailangan, napakalaking bagay ito.

We can be kinder and nicer. Kahit hindi tayo mayaman, maging galante tayo at palabigay kasi hindi ito pagtatapon. Nakikita ng Dios na ito ay napupunta sa mga nangangailangan. At ito ang nais makita ng Dios sa atin–pag-ibig sa kapwa at pagtulong kahit hindi inaasahan at hindi hinihingi.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.