Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Hebrews 2:11

Jesus and the people he makes holy all belong to the same family. That is why he isn’t ashamed to call them his brothers and sisters.

Sino ba talaga ang nag-aalaga at nagtitiyaga sa atin hanggang wakas?   Ang pamilya. Kaya dapat laging mabuti sa pamilya. Sa katanghaliang tapat ng inyong buhay kung kailan kayo malakas, maganda at maraming kinikita, mahalin nyo ang pamilya nyo. Tangkilikin nyo sila. Huwag nyong tatalikuran o iiwanan. Kasi sa inyong pagtanda, sila rin ang magtitiyaga sa inyo.

Dapat na minamahal ang asawa, hindi pinagtataksilan, iniiwan at pagkatapos ay binabalikan na lang kung may sakit na kayo. Aalagaan ka ba ng mga kulasisi kung may sakit ka na? Mahalin ang mga anak lalo. Magtanim ka ng mabuti sa kanila kasi pagtanda mo at wala na kayong lakas na mag-asawa, sila naman yung nasa kalakasan. Pero kung ang natatandaan nila ay yung pambubugbog at pang-aapi mo, aalagaan ka pa rin kaya?

Kaya mabuti talagang mapabilang sa isang kapatiran, o isang church. In fact, the church is your true and eternal family more and beyond your biological family. It is the family of God headed by Jesus himself. Napakalaking advantage ng mga taong nasa church at active sa church. Pag nagkakasakit sila, may dumadalaw. Pag nangangailangan sila, may nagko-contribute. Pag pinaglalamayan sila, may naglalamay. Pag ililibing sila, may nakikipaglibing.

Kaya ano ang dapat gawin? Habang kaya mo at malakas ka pa, kung mayroong maysakit, dumalaw ka. Kung may nangangailangan, mag-ambag ka. Kung may libing, nakikipaglibing ka. Napakalaking security ang ibinibigay sa atin ng katotohanang may mga taong tatangkilikin, itataguyod at mamahalin tayo kung mawalan tayo ng lakas at matumba.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.