Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Ephesians 5:18

Don’t destroy yourself by getting drunk, but let the Spirit fill your life.

Minsan, may mga well-meaning friends tayo na kapag dumadaan tayo sa isang masakit at mapait na karanasan, ang ipinapayo sa atin ay maglasing. Sabi nila, “Forget your pain by getting drunk.” Pero ano talaga ang nangyayari? Kapag natapos na ang pagkalasing, kapag wala na ang hangover at nakainom na ng kape, bumabalik ulit yung pain. Ang totoo nyan kapag labis kayong uminom ng alak, sasakit lang ang ulo nyo pagkatapos masisira ang inyong atay, magkakagastos pa kayo, pero pag nahimasmasan kayo, nandoon pa rin ang problema. Madalas nga, nadadagdagan pa dahil minsan yung mga nag-iinuman ay nagsasaksakan nung lasing na. Dumadami lalo ang problema.

So kung gusto nating malasing para lumimot, puede rin naman. But get drunk with the Holy Spirit instead. Talinghaga lang yun ha? Kasi hindi naman nakakalasing ang Espiritu ng Dios. Pero, binibigyan tayo ng pakiramdam na punung-puno. At dahil tayo ay puspos ng Espiritu, nalilimot natin ang mga bagay na tapos na. The Spirit gives us life by making us forget. Kung pinahihirapan tayo ng sobrang guilt dahil sa mga maling nagawa natin pero pinagsisihan na natin, inihingi na ng tawad sa Dios at sa taong nagawan natin ng mali, pati yun limutin na natin.

Stop remembering and stop being sad. Forgive yourself, forgive others. Limutin yung tapos na. Alalahanin na lang ang darating pa. Wala na tayong magagawa sa nakaraan, pero may magagawa pa tayo sa kung anuman ang darating.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

Make a difference and Partner with us today.

Thank you so much for your prayers and support to this ministry.

Our desire to share hope in new ways to millions of people in many places have become possible because of your unconditional love of giving in partnering with us to this ministry. You are personally invited to be a blessing to someone today by sending your love gifts one time in any amount or become our partner in a monthly basis.

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.



Send Your Love Gifts in Pesos



Send Your Love Gifts in USD

Submit a Comment Below

Complete the form below to submit your comment. We will post it on our website. Thank you for taking the time to let us know what you think.