Daily Devotions

365 Daily Supplements For The Heart
Approved Therapeutic Claims

Matthew 12:47-49

Someone told Jesus, “Your mother and brothers are standing outside and want to talk with you.” Jesus answered, “Who is my mother and who are my brothers?” Then he pointed to his disciples and said, “…Anyone who obeys my Father in heaven is my brother or sister or mother.”

Isa sa mga pinakamahihigpit at kung minsa’y napakalupit na sistema noong panahon ng Panginoon na nagpapahirap sa tao ay yung family system. Inutos ng Dios na igalang ang mga magulang pero nadala ng mga tao yan sa sobrang extreme na wala nang kaboses-boses o kara-karapatan ang mga anak. Ang mga matatanda na lang ang nagpapaandar ng buhay ng lahat–kung sino ang mapapangasawa mo, kung ano ang gagawin mo, talagang kinokontrol.

Sa biglang tingin, iisipin ninyong parang suwail si Hesus sa eksenang ito. May background ito sa Mark 3:21. “When Jesus’ family heard what he was doing, they thought he was crazy and went to get him under control.” Nang nalaman ng pamilya nya yung mga pinaggagagawa ni Hesus, gusto nilang pigilin si Hesus dahil naisip nilang may sira siya. Kaya nung pinuntahan siya, ang sabi nya, “Who is my mother? Who are my brothers?” Hindi ito kalapastanganan. Pinapalaya nya ang sarili from an influence that would stop him from doing his mission. Subalit hindi nya itinuturo na maging rebellious, lumayo sa pamilya, huwag maging magalang.

Pinuputol nya yung labis na pagkontrol dahil ang tao ay binigyan ng free will ng Dios. Sino ang tao para kontrolin ang kanyang kapwa? Lumaya tayo sa sobrang daming tungkulin sa pamilya at nang may magawa naman tayo para sa kaharian ng Dios.

Ed Lapiz

Day By Day Christian Ministries

If you are blessed through this ministry, you could now take your turn to be the blessing to many others.

With your helpful support, more people could be reached with the messages of delight, strength and hope.